Salvage victim, natagpuan sa Smokey Mountain

48

Manila, Philippines – Natagpuan ng mga residente malapit sa Smokey Mountain ang bangkay ng isang Chinese national na biktima ng summary execution.

Inilarawan ng MPD-homicide section ang biktima na nasa edad 20-25 anyos, katamtaman ang pangangatawan, may taas na 5-foot-10, nakasuot ng itim na sweat shirt, brown na pantalon at berdeng sapatos.


Nadiskubre ng isang drayber at pahinante sa likod ng container van ang biktima sa Road 10 kung saan nakakuha rin ng dalawang sachet ng shabu sa bulsa ng biktima at hinihinalang sa ibang lugar ito pinatay at itinapon lamang sa Smokey Mountain.

Patuloy na inaalam pa ng pulisya ang pagkakakilanlan ng biktima na dinala sa Archangel Funeral para sa awtopsiya at safekeeping.

Facebook Comments

From Advertisers