SAMA NG PANAHON | Mga biyaheng Bicol at Dumaguete, hindi na pinapayagan ng LTFRB

Manila, Philippines – Hindi na pinapayagan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board ang lahat ng biyahe ng bus papuntang Bohol at Dumaguete sa Visayas.

Ito’y dahil sa patuloy na pagsama ng panahon dulot ng bagyong si Vinta na nakapasok na sa Philippine Area of Responsibility.

Sinabi ni LTFRB Board member Atty Aileen Lizada inabisuhan na ng LTFRB ang Phil. Ports Authority , Toll Regulatory Board at mga Regional Director ng LTFRB para pigilan ang mga passenger bus na bumiyahe sa nabanggit na lalawigan.


Maging ang mga operator ng mga buses ay pinagsabihan na rin ng board na iwasan muna ang ruta upang maiwasan ang estranded ng mga pasahero sa Alen port sa Samar at Matnog port sa Sorsogon.

Sinabi pa ni Lizada lahat ng mga buses na nasa biyahe na ay pinapayuhan na bumalik na sa kanilang pinanggalingan.

Ginawa ng LTFRB ang pahayag kasunod ng abiso mula sa pagasa weather bureau na ipinagbabawal muna ang biyahe ng mga buses na tumatawid ng karagatan dahil sa sama ng panahon dala ng bagyong si Vinta.

Facebook Comments