Samahan ng mga pribadong ospital, sumulat kay Pangulong Duterte para hilingin ang pagsibak kay Health Sec. Duque

Nagpadala ng liham sa Malakanyang ang samahan ng mga pribadong ospital sa bansa para hilingin kay Pangulong Rodrigo Duterte na palitan na sa pwesto si Department of Health (DOH) si Secretary Francisco Duque III at bilang Chairman ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth).

Sa isang pahinang liham kay Pangulong Duterte, sinabi ni Private Hospitals Association of the Philippines (PHAPI) President Dr. Rustico Jimenez na sawa na sila sa mga pangako ng PhilHealth at ng DOH sa problema sa usapin ng pagbabayad sa ilalim ng Interim Reimbursement Mechanism (IRM) na anila ay mistula lamang silang pinaiikutan.

Ito ang dapat sana’y advance payment ng PhilHealth para sa mga ospital para sa mga pasyenteng ginagamot tulad ng mga nagkakasakit sa COVID-19.


Bagama’t may ilan na aniyang mga ospital ang nakatanggap ng bayad, 40% pa lamang ng mga malalaking ospital ang nakatatanggap nito.

Taliwas ito sa sinasabi ng kalihim na nabayaran na ang lahat ng ospital.

Giit ng PHAPI na binubuo ng 744 na mga miyembro ng mga pribadong hospital, nagkakaisa silang palitan na si Duque para matugunan ang sitwasyong pangkalusugan sa bansa.

Facebook Comments