Sandiganbayan, sarado muna matapos na magpositibo sa COVID-19 ang dalawang empleyado

Pansamantalang isinara muna ang buong gusali ng Sandiganbayan simula ngayong araw matapos na may mga empleyadong nagpositibo sa COVID-19.

Ito ang napagkasunduan sa en banc emergency meeting dahil dalawang empleyado ang nagpositibo sa virus matapos na sumailalim sa PCR test.

Magsasagawa rin ng disinfection sa buong gusali at contact tracing sa mga kapwa empleyado na nakahalubilo ng mga nagpositibo.


Tuloy pa rin naman ang trabaho ng justices, officials at kawani ng Sandiganbayan sa pamamagitan ng alternative work arrangements.

Facebook Comments