Sangguniang Bayan ng Kalibo nagpaabot ng kanilang pagkabahala sa mga taga Kalibo na maaapektuhan ng Boracay closure

Kalibo, Aklan — Nagpaabot ng kanilang pagkabahala ang Sangguniang Bayan ng Kalibo sa mga taga Kalibo na maaapektuhan ng Boracay closure.

Ayon sa kanila na hindi lamang ang taga Boracay ang maaapektuhan dahil marami ring taga Kalibo ang nagtatrabaho doon at isa pa ang mga negosyo dito.

Dahil dito, isang resolusyon ang ginawa ni SB Member Philip Yerro Kimpo Jr., na humihiling sa mga regional offices ng DOLE, DTI, TESDA, DOT at Provincial Public Employment Service Office (PESO) para magbigay ng tulong sa mga taga Kalibo sa pamamagitan nga Municipal Peso Kalibo.


Sinabi pa nila na kahit magbibigay ng tulong ang gobyerno pero ito ay nakatuon lamang sa mga taga Boracay at maraming trabaho sa Kalibo ang naka konekta sa Boracay kagaya ng Airline Crew Personnel, Transport Sector, Accommodation, Ticketing and Travel Agents at marami pang iba.

Facebook Comments