Nagtalaga lamang ang Commission on Elections (COMELEC) ng nasa 19,000 satellite registration offices para sa 2022 elections sa harap ng COVID-19 pandemic.
Ito ay mababa kumpara sa 52,482 offices noong 2019.
Ayon kay COMELEC Deputy Executive Director Teopisto Elnas Jr., kasalukuyang mayroon silang 18,945 satellite registration offices para sa susunod na halalan.
Kabilang sa mga dahilan kung bakit kakaunti lamang ang satellite registration offices ay ang mahigpit na pagpapatupad ng lockdown.
Pagtitiyak ni Elnas na paiigtingin ng poll body ang pagsasagawa ng satellite registration.
Hinikayat ng poll body ang lahat ng magparehistro sa pamamagitan ng irehistro.comelec.gov.ph
Mula nitong Hunyo, aabot na sa 60 million ang registered voters para sa 2022 elections.