SAWI | 2, patay sa buy bust operation sa lungsod ng Maynila

18

Manila, Philippines – Patay ang dalawang lalaki sa ikinasang buy bust operation sa Parola compound, lungsod ng Maynila.

Target ng mga awtoridad ang mga suspek na sina alyas ‘Jury’ at alyas ‘Nobu’.

Pagkatapos ng transaksyon, nakilala ng isa sa mga suspek na pulis ang kanilang nakausap.

Dito na nagpaputok ng baril ang mga suspek at tinamaan ang pulis.

Maswerte namang nakausot ng bulletproof vest ang pulis.

Gumanti na rin ng putok ang mga kasahaman nitong mga pulis at napatay ang mga suspek.

Kilalang kilabot na tulak ng ilegal na droga ang dalawang salarin.

Nakuha sa kanila ang higit 12 sachet ng hinihinalang shabu.

Facebook Comments