SAWI | Dalawang lalaki, patay sa engkwentro sa mga pulis sa Calamba City, Laguna

Calamba City, Laguna – Patay ang dalawang lalaki matapos makipagbarilan sa mga pulis sa Calamba City, Laguna.

Nakilala ang isa sa nasawi na si Christopher Manjares Gonce habang inaalam pa ang pagkakakilanlan ng kaniyang kasamahan.

Nagsagawa ng buy-bust operation ang Calamba City Police laban sa dalawang lalaki na bagong salta lang sa lugar at rumenta ng maliit na barong-barong.


Nahalata ng mga ito na pulis ang kanilang katransaksiyon kaya nagpaputok sila na nagresulta sa engkwentro.

Dito na nasawi ang mga suspek kung saan nakuha mula sa kanila ang isang kalibre 38 na baril at isang improvised M203.

Facebook Comments