SBP, nanawagan ng unity sa buong basketball community

Nais ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) na magkaisa ang mga stakeholder upang makabuo ng isang solidong Gilas Pilipinas na lalahok sa Fiba World Cup na gaganapin sa Pilipinas sa 2023.

Ito ang panawagan ni SBP President Al Panlilio sa gitna ng kaliwa’t kanang batikos na ipinupukol sa asosasyon at sa coaching staff ng Gilas Pilipinas matapos ang kanilang ninth-place finish nitong nakaraang Fiba Asia Cup sa Jakarta, Indonesia.

Ayon kay Panlilio, kailangang tutukan ang kakulangan sa ensayo at availability ng mga player lalo’t nakalinya na ang iba pang malalaking torneo na lalahukan ng national team.


Kabilang rito ang tatlong windows ng Fiba World Cup Asia Quali¬fiers – ang Sea Games sa Cambodia sa Mayo at ang Fiba World Cup sa Agosto sa 2023.

Kaugnay nito, magpupulong ang buong basketball stakeholders sa Agosto 1 upang plantsahin ang mga gusot na dapat pang tutukan.

Makakasama ng Koponan ng Pilipinas ang NBA star na si Jordan Clarkson.

Umaasa rin si PBA Chairman Ricky Vargas na magkakaisa ang lahat para sa ikatatagumpay ng pagdaraos ng Fiba World Cup.

Facebook Comments