EJ Obiena, umabante na sa finals ng World Athletics Championship

74

Pasok na ang Filipino pole vaulter at Olympian na si EJ Obiena sa finals ng World Athletics Championship na ginanap sa Hayward Field, Eugene, Oregon, Amerika.

Kabilang sa Top 12 performers ang Olympian matapos makapagtala ng 5.75-meter mark sa two attempts nito.

Makakasama ni Obiena sa Top 12 ang Olympic Champion na si Armand Duplantis ng Sweden at Christopher Nilsen ng Amerika.


Nakatakda ang final round ng World Athletics Championship sa Lunes, July 25.

Si Obiena ang namumukod tanging Asian na nakapasok sa finals.

Facebook Comments