Tuguegarao City- Bukas para sa lahat ng interesadong mag-aral ang Technological Vocational Education and Training (TVET) program ng TESDA.
Sa pagtutok ng RMN Cauayan News Team sa isinagawang Press Conference kanina, Pebrero 27, 2018, ipinaliwanag ni Deputy Director General Alvin Feliciano na ang TVET ay isang daan umano upang ipaabot sa mga mamamayan ang biyaya ng pamahalaan sa pamamagitan ng scholarship program.
Aniya, 2.7 billion pesos ang inilaang pondo para sa mga pampribadong paaralan at 6.9 bilyung piso naman ay para sa pampublikong paaralan sa buong bansa.
Samantala, sa kabuuang pondong 2.7 billion pesos, 62 million dito ang mapupunta sa private schools at sa 6.9 billiong pondo ng sa public schools ay 200 million ang ibinahagi sa Cagayan Valley Region.
Upang makakuha ng scholarship ay maaring sumangguni sa mga kagawad, punong barangay, mag apply online at magsadya sa tanggapan ng TESDA saan mang bahagi ng bansa.
Kanina ay nagkaroon din ng job fair para sa mga nagnanais magkaroon ng trabaho at inumpisahan naman ang enrollment sa mga interesado mag-aral.