Science bus ng DOST, iikot sa bansa para makadiskubre ng bagong scientists

Image via DOST-SEI

Lilibot na sa iba’t-ibang panig ng Pilipinas ang “nuLAB” bus ng Department of Science of Technology (DOST).

Inilunsad ng Science Education Institute mula sa nasabing kagawaran ang isang customized bus na layuning makadiskubre ng bagong Pinoy scientists at innovators.

Sa loob ng bus, makikita ang makabagong educational tools upang matulungan ang mga mag-aaral makita ang kanilang potensiyal sa larangan ng Agham, Teknolohiya, Edukasyon, at Matematika.


Maaring sumakay ang 24 mag-aaral sa educational bus at magsasagawa ng dalawang session kada araw. Ang modules ay nanggaling sa 15 scientists at mga dating scholar ng DOST.

Iikot ang pinakabagong mobile science learning facility para hikayatin ang mga estudyante ng Senior High School (SHS) na kumuha ng science-related courses.

Hihimukin naman ang mga batang mapipili mula sa nuLab sessions na sumali sa undergradute scholarship program ng DOST na pinamagatang “#Push4science : Maging DOST Scholar Ka!”

Facebook Comments