Batan, Aklan – Hindi na umabot na buhay sa Altavas District Hospital ang isang seaman matapos na bumangga sa isang puno ng kahoy ang minamanehong sasakyan kaninang madaling araw sa Sitio Inyawan, Angas, Batan.
Nakilala ang biktima na si Rojie De Blas Onayan, 29-anyos at residente rin ng nasabing lugar.
Ayon kay PSMS Jose Patron ng Batan PNP na ang nasabing biktima ay kakauwi lamang kahapon galing abroad at kagabi ay nakipag inuman sa mga barakada.
Nang maubos na ang inum ay umalis pa ito sakay ng Toyota Hilux pick-up kasama ang tatlo pa nitong kaibigan papuntang Altavas para maghanap pero wala nang makitang bukas na tindahan dahilan na para umuwi na lang.
Habang papauwi na ito ay nawalan ng kontrol sa pagmamaneho ang biktima at bumangga ito sa puno ng kahoy.
Lumalabas din sa imbestigasyon na hindi gumana ang air bag ng sasakyan dahilan para magtamo ng fatal na lastro ang biktima sa ulo.
Napag-alaman rin sa mga kasama nito na halos pumapatak sa 120 kph ag takbo ng kanilang sasakyan bago bumangga.
Matapos ang aksidente ay agad dinala ang biktima at ang kasama nito sa hospital pero idineklarang dead on arrival ng doktor si Onayan habang ang mga kasama nito ay parehong ligtas.
Seaman, patay sa aksidente
Facebook Comments