Sec. Aguirre, humingi na ng tawad kay Sen. Aquino

Manila, Philippines – Humingi na ng tawad si Justice Sec. Vitaliano Aguirre kay Sen. Bam Aquino.
Ayon kay Aquino, umamin naman si Aguirre na nagkamali siya nang ipahiwatig nitong may kinalaman si Aquino sa pag-atake ng Maute Group sa Marawi City.
Una nang sinabi ni Aguirre na may hawak siyang impormasyon na nagpulong sina Senators Aquino, Antonio Trillanes at magdalo Rep. Gary Alejano, kasama ang ilang pamilya sa Marawi noong May 2 (Martes).

Sabi ni Aguirre, posibleng ito ang naging mitsa ng aktibidad ng mga terorista sa lugar.

Pero malinaw sa senate records na nasa senado sina Aquino at Trillanes noong May 2.


Pero sa kabila ng pagso-sorry ni Aguirre, pinag-aaralan na ngayon ni Aquino kung ano ang gagawing hakbang para mapanagot ang kalihim.

Aniya, posibleng pa-imbestigahan niya sa senado si Aguirre kung saan may nag-uudyok din sa kanya na kasuhan na lang ito.

Matatandaan din na noong kumpirmahin ang appointment ni Aguirre noong Pebrero pinagsabihan na siya ni Sen. Panfilo Lacson, isa sa mga miyembro ng Commission on Appointments na mag-ingat sa kanyang mga pahayag.
DZXL558

Facebook Comments