Sec. Duque, dumepensa na rin sa isyu ng sinasabing pagbili ng DOH ng overpriced na mga ambulansya

Naglabas na rin ng pahayag si Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III sa akusasyon ni Senador Panfilo “Ping” Lacson hinggil sa umano’y pagbili ng DOH ng overpriced na mga ambulansya.

Ayon kay Duque, ang pagbili nila ng mga ambulansya ay naaayon sa batas partikular sa licensing standards na nakapaloob sa administrative order 2018-0001 at dumaan ito sa competitive bidding para makuha ang pinakamababang presyo.

Inihayag ni Duque na ang nabili nilang ambulansya ay mayroong Basic Life Support (BLS) equipment sa loob tulad ng defibrillators, laryngoscope na may 3 blade sizes, suction machines, immobilization devices, at communication equipmen.


Handa rin aniya sila na humarap sa ano mang imbestigasyon.

Una nang inihayag kahapon ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na dumaan sa tamang proseso at transparency ang pagbili ng DOH ng mga ambulansya.

Facebook Comments