Sec. Duque ng Department of Health, Pinapa-RESIGN ng mga Senador

Mahina, inefficient ang Department of Health sa pag-responde sa Corona Virus outbreak.
Bunsod nito, nanawagan ang senador kay Secretary Francisco Duque III na magbitiw na sa kanyang tungkulin bilang pinuno ng Department of Health.
Ayon sa report, hindi bababa sa 15 na mga senador ang nagpasa ng resolution na pagbitiwin na si Secretary Duque bilang Secretary ng Department of Health dahil umano sa “failure, negligence, lack of foresight, and inefficiency” sa usapin ng COVID-19 outbreak sa bansa.
Mahina, mabagal, pabagu-bago at malalabong polisiya ang ilan lamang sa mga punto na binigyang-diin ng mga senador sa pamumuno ni Senator Vicente Sotto III.
Idinagdag naman ni Senador Juan Edgardo Angara na hindi natin matatalo ang virus kung ganitong malaymay ang aksyon ng DOH sa pamumuno ni Sec. Duque.
This is a developing story.


Facebook Comments