
Mariing itinanggi ni Health Secretary Teodoro Herbosa ang mga ulat na umano’y naghahanap na si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng ipapalit sa kanya bilang kalihim ng Department of Health (DOH).
Ayon kay Herbosa, tulad ng iba pang miyembro ng gabinete, nagsisilbi siya batay sa tiwala at kapasyahan ng pangulo.
Giit ng kalihim, normal sa isang administrasyon ang paglabas ng mga espekulasyon, ngunit sa ngayon ay patuloy lamang siyang nakatuon sa pagpapatupad ng mga programa ng DOH at sa pagbibigay ng serbisyong pangkalusugan sa publiko.
Nauna nang umugong ang mga balitang magkaroon ng panibagong balasahan sa gabinete kasunod ng paghina ng trust ratings ng administrasyon.
Gayunman, sinabi ni Herbosa na walang opisyal na pahayag o indikasyon mula sa Malacañang na siya ay papalitan sa puwesto.








