Seguridad na ipatutupad ng MPD para sa gaganaping bar exam simula bukas, kasado na

Inaasahang mahigit walong libo ang sasailaim sa 2019 Bar examinations na gaganapin sa University of Santo Tomas o UST sa bahagi ng Espanya, Sampaloc, Maynila.

Nakatakda ang bar exam simula bukas November 3 at sa mga susunod pang araw ng Linggo o November 10, 17 at 24.

Ayon kay Manila Police District O MPD Chief Brig General Bernabe Balba, 500 hanggang 600 mga pulis ang i-dedeploy sa paligid ng UST para magbigay seguridad sa bar exmanations.


Kaugnay nito ay magpapatupad din ng “stop and go traffic situation” sa mga kalye sa paligid ng UST bukas mula alas singko hanggang alas-otso ng umaga at mula alas singko hanggang gabi.

Kinabibilangan ito ng P. Noval Street, Dapitan Street, AH Lacson Avenue at España Blvd.

Mahigpit ding ipag-babawal ang parking o pag-parada ng sasakyan sa nabanggit na mga kalye sa paligid ng UST.

Facebook Comments