Seguridad na pinapatupad ng PNP hindi lang nakatutok sa Traslacion – PNP chief

Manila, Philippines – Tiniyak ng Philippine National Police (PNP) na bantay sarado nila ang seguridad sa lahat ng malalaking aktibidad sa buong bansa.

Ayon kay PNP Chief Director General Oscar Albayalde, bukod sa Traslacion, mahigpit din nilang binabantayan ang pagtitipon sa Sinolog sa Cebu, Dinagyan sa Iloilo, Ati-Atihan sa Aklan at iba pang lugar na magdiriwang ng kanilang kapistahan.

Inatasan na aniya ang lahat ng regional police director na alerto ang kanilang mga tauhan para sa pagbibigay seguridad lalo na sa mga matataong lugar.


Sa ngayon pangunahing utos ng PNP chief sa mga opisyal ng PNP na magpatupad ng mahigpit na seguridad saan man sa bansa kasabay ng sunod-sunod na malalaking aktibidad o pagtitipon.

Facebook Comments