Tiniyak ng kapulisan ang seguridad ng mga bangko at iba pang financial establishments sa Lingayen sa pamamagitan ng serye ng pagbisita na isinagawa sa iba’t ibang bangko, sanglaan, money transfer centers, at pautangan sa bayan.
Layunin ng aktibidad na masuri ang umiiral na mga hakbang sa seguridad at maiwasan ang posibleng krimen na may kaugnayan sa mga naturang establisimyento.
Kabilang sa tinutukan ng mga pulis ang kondisyon at paggana ng mga CCTV at alarm system, gayundin ang kahandaan ng mga security guard.
Bahagi rin ng pagronda ang pagpapalakas ng koordinasyon sa pagitan ng pamunuan ng mga establisimyento at ng pulisya upang matiyak ang mabilis na pagtugon sakaling magkaroon ng insidente.
Ayon sa pulisya, mahalagang mapanatili ang ligtas na kapaligiran sa mga financial establishments upang maprotektahan ang publiko at masuportahan ang maayos na daloy ng aktibidad pang-ekonomiya sa Lingayen. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










