Monday, September 7, 2026

Seguridad ni VP Sara, patuloy na sinusuri ng mga kaukulang security unit —AFP

Patuloy na sinusuri ng mga kaukulang security unit ang seguridad ni Vice President Sara Duterte sa koordinasyon ng iba pang ahensiya ng pamahalaan ayon ito Armed Forces of the Philippines (AFP).

Ayon kay AFP Spokesperson Col. Francel Margareth Padilla, seryosong tinitingnan ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas ang lahat ng usapin kaugnay ng seguridad.

Aniya, magsasagawa sila ng kinakailangang pagbabago batay sa mga na-validate na impormasyon at sa umiiral na threat assessment.

Binigyang-diin naman ni Padilla na hindi maaaring i-disclose ng AFP ang mga partikular na detalye kaugnay sa security arrangements o threat assessment.

Nabatid na ang AFP Security and Protection Group (AFP SPG), ang pangunahing nagbibigay ng seguridad sa bise presidente.

Kanina ay nagpakita ng screenshots si VP Sara na kausap nito si dating AFP Chief of Staff Romeo Brawner kung saan nagkasundo ito na protektahan at hindi pagbantaan o saktan ang ina at anak nito.

Facebook Comments