Monday, September 7, 2026

Ombudsman Remulla, lilipad patungong France para makipag-ugnayan sa mga awtoridad

Nakatakdang tumulak patungong France si Ombudsman Jesus Crispin “Boying” Remulla upang makipag-ugnayan sa mga awtoridad doon kaugnay ng mga indibidwal na sangkot sa mga kasong iniimbestigahan ng kaniyang tanggapan.

Ayon kay Remulla, naniniwala siyang nasa France si dating Ako Bicol Party-list Representative Elizaldy Co na nahaharap sa mga kaso kaugnay ng umano’y anomalya sa flood control projects.

Giit pa ng Ombudsman, patuloy nilang “paliliitin ang mundo” ng mga akusadong nagtatago sa ibang bansa.

Kabilang si Zaldy Co sa mga kinasuhan ngayong Lunes ng plunder kasama si dating House Speaker Martin Romualdez kaugnay ng umano’y ₱7.4 bilyong kickback scheme sa flood control projects.

Sinabi rin ni Remulla na nasa France umano sina Senator Loren Legarda at kanyang anak na si Batangas 1st District Representative Leandro Leviste.

Sina Legarda at Leviste ay nahaharap din sa preliminary investigation ng Ombudsman kaugnay ng umano’y iregularidad sa solar energy projects.

Facebook Comments