Kalibo, Aklan – All set na ang siguridad sa selebrasyon ng Kalibo Sto. Niño Ati-atihan Festival 2019 “The Mother of All Philippine Festival na gaganapin sa Enero 14 hanggang 20, 2019.
Ito ang sinabi ni PSSupt. Zacarias Cañezo, Deputy Regional Director for operation matapos ang isinagawang Inter-Agency Coordinating Conference na dinaluhan ng mga opisyales ng KASAFI, Philippine National Police, Philippine Army, MDRRMO, LGU-Kalibo at iba pang sector.
Sa nasabing conference, pinag-usapan na target ngayon ng kapulisan na maging ‘zero major crime incidents’ ang nasabing selebrasyon.
At dahil dito, mahigit 1, 506 na mga pulis ang ipapakalat para masiguro ang siguridad at kaligtasan ng mga bisita at ng selebrasyon.
Maglalagay rin ng mga police assistance desk sa mga mataong lugar at mga checkpoints sa inner at outer boarder papasok ng Aklan.
Samantala nakalatag na rin ang traffic management and rerouting schemes at emergency lanes upang mapadali ang pagresponde kung kinakailangan.
Seguridad para sa Kalibo Sto. Niño Ati-atihan Festival 2019. all set na!
Facebook Comments