*Cauayan City, Isabela*- Inatasan ng Department of Justice ang pamunuan ng National Bureau of Investigation (NBI) na magsagawa ng hiwalay na imbestigasyon sa mga opisyal na mahuhuling gagawa ng panloloko sa taumbayan.
Ito ay makaraang lumabas ang usapin na sasamantalahin ng ilang opisyal ang nangyayaring sitwasyon bunsod ng umiiral na Enhanced Community Quarantine.
Ayon kay Provincial Director Timoteo Rejano ng NBI Isabela, ito ay upang magkaroon ng direktang aksyon sa mga hinaing ng mamamayan lalo na sa mga apektadong pamilya dahil kaakibat sila sa imbestigasyon para wakasan ang korapsyon.
Nauna ng nagsasagawa ng imbestigasyon ang NBI sa Barangay Marana sa Siyudad ng Ilagan hinggil sa pagbawi ng stab ng isang secretary ng barangay sa pamimigay ng relief goods.
Sa social media post ng LGU Ilagan, kanilang nilinaw na hindi binawi ang nasbaing food packs na ibibigay sa isang residente subalit inilipat lamang sa ibang bahay kung saan naroon ang anak ng mismong residente taliwas sa kumakalat na viral video kaugnay dito.
Giit pa ni Rejano na kaisa sila para tuldukan ang korapsyon at tutukan ang mga reklamo ng taumbayan sa mga opisyal ng barangay sa buong Probinsya.