SEKYU ARESTADO MATAPOS MAGPANGGAP NA PULIS AT MANGOTONG SA ROSARIO, LA UNION

31
Kulungan ang bagsak ng isang security guard matapos magpakilalang pulis at mangotong sa isang tricycle driver sa Brgy. Benteng- Sapilang, Rosario, La Union.
Nakilala ang suspek na si Allan Ubongen Dulay, 30 anyos at residente ng Brgy. Cataguintingan, Rosario habang ang nagreklamo naman ay si Michael Hapson, 25 anyos at isang tricycle driver.
Ayon sa imbestigasyon, nagpakilala umano na pulis si Dulay sa tricycle driver kasunod ng paghingi nito ng pera dahil sa may nilabag umano ito habang nagmamaneho ng tricycle.

Nagsumbong ang biktima sa otoridad na nagresulta sa pagkakahuli ng suspek at pagkakakumpiska sa kanya ng camouflage upper garment, motorsiklo na kanyang ginamit at ng nakotong nitong 300 pesos.
Inihahanda na ng kinauukulan ang mga karampatang kaso laban sa suspek.| ifmnews
Facebook Comments