Sekyu na Matagal nang Nagtatago sa Batas dahil sa Kasong Panggagahasa, Natimbog Na!

*San Mariano, Isabela- *Nasa kamay na ng PNP San Mariano ang isang security guard na may kasong Panggagahasa matapos madakip pasado alas diyes kaninang umaga, Agosto 14, 2018 sa Brgy. Macayu-cayu, San Mariano, Isabela.

Kinilala ang nadakip na si Ike Clinton Tagao Limbauan, bente tres anyos, binate, isang security guard at residente ng naturang barangay.

Sa nakuhang impormasyon ng RMN Cauayan, nadakip ang suspek sa bisa ng Warrant of Arrest na ipinalabas ni hukom Andrew Barcena ng RTC Branch 17, City of Ilagan, Isabela dahil sa kaso nitong Panggagahasa at walang nairekomendang piyansa para sa kanyang pansamantalang kalayaan.


Nakapiit na sa PNP San Mariano ang suspek na si Ike Clinton na mahaharap sa kasong Panggagahasa.

Facebook Comments