Kalibo, Aklan — “Dapat ang problema ay laging positive yan para sa huli baka tayo ay magaling na”, ito ang naging pahayag ni Sen. Cynthia Villar sa kanyang interview kaninang umaga tungkol sa Boracay closure.
Ayon sa kanya na talagang tutulungan nya ang isla ng Boracay para sa rehabliltasyon nito.
Isa na rito ang pangako ng kanyang anak na si DPWH Secretary Mark Villar na gagawin at tatapusin ang circumferential road sa isla.
Dagadag pa nito, na paborito nyang advocacy ang waste management kaya hihingi rin sya ng tulong sa Department of Agriculture, Department of Environment and Natural Resources at iba pang ahensya ng gobyerno na pwedeng makatulong para mapaganda ang nasabing programa.
Sinabi pa nya na meron na syang naibigay na composting machine sa isla na maliban sa nababawasan nito ang kitchen waste ay may organic fertilizer pa na libreng maibibigay sa mga farmers.
Lalakarin rin nya sa DENR ang tinatawag na plastic factory.
Kanya rin daw i-adopt ang Boracay para ma implement ng tama ang waste management.
Si Sen. Villar ay panauhing pandangal sa ika-62nd na anibersaryo ng probinsya ng Aklan.
Sen. Cynthia Villar tutulong ng husto sa rehabilitasyon ng Boracay
Facebook Comments