Sen. de Lima, umapela sa publiko na tuligsain ang banta ni Pangulong Duterte sa Ombudsman

Manila, Philippines – Nanawagan si Senator Leila de Lima sa mamamayang Pilipino na tuligsain ang mga pambu-bully at pagbabanta ni Pangulong Rodrigo Duterte na pagpapaimbestiga sa Ombudsman at pagpapaaresto sa mga empleyado nito.

Ipinunto pa ni de Lima na dapat ay nirerespeto ng pangulo ang independence ng lahat ng institutsyon.

Giit ni de Lima, inililihis na naman ni Pangulong Duterte ang isyu mula sa imbestigasyong isinasagawa ng Ombudsman sa kanya umanong mga tagong yaman.


Binigyang diin ni de Lima na mas makabubuting harapin na lang ng pangulo ang mga akusasyon laban sa kanya sa halip na takutin ang Ombudsman.

Hinamon din ni de Lima si Pangulong Duterte na magisyu ng waiver sa bank secrecy law para ipabusisi ang kanyang mga bank accounts.

Facebook Comments