
Kinumpirma ni Senate President pro-tempore Ping Lacson na kasama sa draft committee report ng inirerekomendang kasuhan ng kriminal at administratibo dahil sa maanomalyang flood control projects sina Senators Jinggoy Estrada, Joel Villanueva, at Chiz Escudero.
Bukod dito, kinumpirma rin ni Lacson, na kasama sa pinakakasuhan sina dating Cong. Zaldy Co, dating Congw. Mitch Cajayon, at dating Senator Bong Revilla.
Hindi naman kasama sa pinakakasuhan si dating Speaker Martin Romualdez dahil nagbase sila sa corroborative evidence pero inirerekomenda ang further fact-finding investigation dahil makailang beses itong nabanggit sa pagdinig.
Sinabi ni Lacson na noong una ay anim ang nakalagda pero tatlo ang bumawi ng kanilang mga signatures, sina Senators Migz Zubiri, JV Ejercito, at Win Gatchalian.
Natira na lamang sa nakalagda sa partial committee report sina Senators Bam Aquino, Risa Hontiveros, at Kiko Pangilinan.
Mangangailangan naman ng 11 na pirma para maisapinal ang committee report.
Sa kasalukuyan ay ongoing ang caucus ng majority bloc para pagusapan ang naturang pagbalangkas ng committee report.










