Sen. Robin Padilla, hiniling na higpitan din ang online streaming videos

Pinahahanapan na ng paraan ni Senator Robinhood Padilla kung paano mapapahigpitan laban sa posibleng pang-aabuso ang ibang media platform na gumagamit ng online streaming video.

Naungkat ito sa pagdinig ng 2023 budget ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) matapos na mabatid na limitado lang ang kapangyarihan ng ahensya.

Nais ni Padilla na magkaroon ng regulasyon o paghihigpit sa mga ipinapalabas sa online streaming videos ng mga social media platform gaya ng TikTok, YouTube at iba pang kahalintulad.


Giit ni Padilla, nababahala siya sa kawalan ng kontrol at batas sa mga ipinapalabas sa ibang media platforms.

Paliwanag naman ni MTRCB Chairman Lala Sotto-Antonio, ang kapangyarihan ng MTRCB ay limitado lamang sa probisyon ng Presidential Decree 1986 kung saan ang sakop lamang ay iyong mga palabas sa telebisyon at mga radyo na mayroon na ring kasamang video.

Hiniling naman ni Senator Grace Poe na ipatawag ang ibang media platforms kasama ang MTRCB upang matalakay at makabalangkas ng alituntunin para sa pag-evaluate ng mga ipinalalabas sa online streaming.

Facebook Comments