Olympic gold-medalist Hidilyn Diaz, nag-donate ng equipment sa AFP

67

Nakatanggap ang Armed Forces of the Philippines (AFP) ng weightlifting equipment na donasyon ni Olympic Gold medalist, Philippine Air Force Staff Sergeant Hidilyn Diaz-Naranjo.

Ang donasyon ay tinanggap ni Major General Adriano Perez Jr, ang Deputy Chief of Staff for Personnel ng AFP, na kumatawan kay AFP Chief of Staff Lt. General Bartolome Vicente Bacarro.

Kasabay ng pagpapasalamat, sinabi ni MGen. Perez na ang kagamitan ay malaking tulong sa pagsasanay ng soldier-athletes upang makakuha pa ng karagdagang Olympic medals sa hinaharap.


Si Staff Sergeant Diaz ang kauna-unahang Pilipino na nagwagi ng Olympic Gold Medal sa 2020 Tokyo Olympics.

Facebook Comments