Sen. Win Gatchalian, tikom sa kinasangkutang isyu ng kanyang pamilya

Umiwas si Senator Sherwin Gatchalian na sagutin kung sa kanya o sa kanyang pamilya ang nag-viral na puting luxury SUV na may protocol plate number 7 na iligal na dumaan sa EDSA busway.

Ipinauubaya ni Gatchalian sa Land Transportation Office (LTO) ang magiging resulta at magiging aksyon sa resulta ng imbestigasyon tungkol sa insidente.

Aniya, nagsalita naman na ang kinatawan ng Pacific Orient at nagbayad na rin ito ng multa.


Natanong din ng media si Gatchalian kung kapatid niya ba ang may-ari sakay ng SUV pero tumanggi itong sumagot.

Maging ang paggamit ng kaanak o kung maaari bang gamitin ng iba ang protocol plate na para sa mga senador ay naitanong din kay Gatchalian pero lumilihis ito sa tanong.

Iwas din si Gatchalian kung nakausap na ba niya ang kanyang ama at kapatid na sabit sa isyu.

Aniya, mahirap nang magkomento habang mayroon pang isinasagawang imbestigasyon dito ang LTO.

Facebook Comments