
Nagbabalik impeachment trial ngayon ang Senado kung saan ang panig na ni Vice President Sara Duterte ang dedepensa laban sa mga alegasyong ibinabato ng House Prosecution panel.
Nasa 24 na testigo ang NASA listahan ng depensa na inaasahang haharap sa mga pagdinig mula ngayong November 9 hanggang 13.
Gayunman, ang unang testigo sanang haharap na si Atty. Suzetre Punay na Corporate Counsel ng GenCorp Industries Inc. at Metro City Chow Foods Corporation ay hindi makakaharap ngayon.
Ito ay dahil sa medical procedure na nakatakda sa kanya ngayong araw.
Dahil dito ang City Assessor muna ng Davao City na si Engr Jaime Adalin ang unang ihaharap mamaya sa witness stand.
Sinabi naman ni Senate Impeachment Court Spokesperson Atty. Reginald Tongol na gugulong agad ang paglilitis at pagsisimula ng presentasyon ng defense team ni VP Duterte dahil walang inaasahang administrative matters na aantala rito dahil naresolba na nung nakaaang linggo.










