Monday, November 9, 2026

Hindi bababa sa 500 impormasyon patungkol sa kinaroroonan ni Senator Bato dela Rosa, natanggap ng PNP

Ibinahagi ni Philippine National Police (PNP) Chief General Jose Melencio Nartatez Jr. na nakatanggap sila nang hindi bababa sa 500 impormasyon patungkol sa kinaroroonan ni Senator Ronald “Bato” Dela Rosa.

Ayon kay Nartatez, ang mga impormasyon na ito ay napuntahan na at nakapagsagawa na ng operasyon.

Aniya, ang mga impormasyon ay galing sa ibat-ibang lugar sa bansa at meron pang impormasyon sa isang isla na hindi pa nito naririnig kailanman.

Dagdag pa ni Nartatez, aling ang mga impormasyon sa mga text message na pinapadala sa mga police stations at text message sa mga pulis at kanilang mga commander.

Patuloy naman ang paghahanap kay Senator Bato na may warrant of arrrest mula sa ICC kaugnay ng war on drugs noong panahon ng administrasyong Duterte.

Facebook Comments