
Hinimok ni Senator Christopher “Bong” Go ang mga health authorities na palakasin ang paghahanda laban sa mga napapanahong sakit at iba pang health risks sa gitna na rin ng malakas na El Niño phenomenon.
Binigyang-diin ni Go, Vice Chairman ng Senate Committee on Health, ang kahalagahan ng pagprotekta sa mga vulnerable na sektor mula sa pabago-bagong kondisyon ng panahon tulad ng mga kabataan, mga matatanda, PWDs, outdoor workers at mga kababayang may medical conditions.
Hinikayat ni Go ang Department of Health (DOH), LGUs at mga healthcare facilities sa buong bansa na maghanda sa iba’t ibang banta sa kalusugan na may kinalaman sa mararanasang Super El Niño tulad ng heat-related illnesses gaya ng dehydration, heat exhaustion at heat stroke st mga sakit na maaaring may kinalaman sa kakulangan sa suplay ng tubig at poor sanitation.
Iginiit ni Go na hindi na dapat hintayin na lumala pa ang sitwasyon bago kumilos at habang maaga ay dapat nakahanda na ang tubig, pagkain, serbisyong pangkalusugan, ayuda at iba pang pangangailangan ng mga kababayan.










