
Tinuligsa ni Senator JV Ejercito ang mga ahensya ng gobyerno at pinayuhang tigilan na ang “sugarcoating” o mala-Press Release (PR) na na report na ibinibigay kay Pangulong Bongbong Marcos kaugnay sa tunay na sitwasyon ng bansa sa patuloy na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo.
Binigyang-diin ni Ejercito na ang tapat at real-time assessments ang pinakamahalaga sa nagpapatuloy na gulo sa Middle East na sanhi ng hindi mahintong oil price hike at pagtaas sa presyo ng mga bilihin.
Giit ng mambabatas, sa ganitong may krisis ay hindi dapat minamaliit o pinapaganda ang ulat na ibinibigay sa pangulo.
Punto pa ni Ejercito, sa bawat maling impormasyon na ipinararating sa presidente, maling desisyon ang nagiging kapalit at sa huli, ang mamamayan ang higit na naaapektuhan.
Hinikayat ng senador ang mga kalihim at opisyal ng bawat ahensya na magbigay ng tama at ground-level information dahil ito ay pagpapakita ng tunay na malasakit at ang unang hakbang sa solusyon ay ang pag-amin sa totoong problema ng bansa.










