Senate Ethics Committee, mag-aantabay lang sa reklamo laban kay Senator Trillanes

Manila, Philippines – Kahit wala pang reklamo o Motu Propio ay maaring magsagawa na agad ng imbestigasyon ang Senate Ethics Committee laban sa sinumang senador, katulad ni Senator Antonio Trillanes IV.

Pero sa halip na gawin ito ay minabuti ni Senate Majority Leader Tito Sotto III, bilang chairman ng ethics committee, na antayin na lamang ang posibleng complaint laban kay Trillanes.

Pahayag ito ni Sotto matapos sabihin ni Senator JV Ejercito na dapat ipagharap ng ethics compliant si Trillanes matapos nitong tawagin na duwag, tuta o puppet ng administrasyong Duterte ang mga senador.


Ayon kay Sotto, mahirap umaksyon ang komite base lamang sa mga media reports.
Tumanggi din si Sotto na magbigay ng komento laban kay Trillanes dahil aniya bilang chairman ng komite ay dapat siyang maging neutral o patas.

“Motu Propio is possible but it is better if I receive a complaint. Hard to judge through media reports. I will entertain any complaint against any member of the Senate,” paliwanag ni Senator Sotto.

Facebook Comments