Senate hearing sa mga aberya sa MRT, ipagpapatuloy ngayong araw

Manila, Philippines -Alas dyes ngayong umaga ay nakatakdang ipagpatuloy ng Committee on Public Services na pinamumunuan ni Sen. Grace Poe ang pagdinig da mga kapalpakan sa operasyon ng Metro Rail Transit o MRT line 3.

Target pa rin ng pagdinig na mabusisi ang mga kapalpakan sa kontratang pinasok ng gobyerno para sa maintenance at operasyon ng MRT.

Kasabay ding sisilipin ay ang hindi pa rin magamit na 48 bagong bagon na binili ng nakaraang adminstrasyon sa isang Chinese company na dalian sa halagang 3.8 billion pesos.


Kabilang sa mga imbitado sa hearing ngayon ay ang mga opisyal ng Dept. of Transportation at MRT 3.

Pinapaharap din ang mga kinatawan ng busan, dalian at iba pang kompanyang ka-deal ng DOTr para sa pagmantine ng MRT.

DZXL558, Grace Mariano

Facebook Comments