Senator Bong Go at Pangulong Duterte, nagtungo ng GenSan kahapon; Go, namigay ng maagang pamasko

Nagsagawa ng Malasakit Center monitoring visit si Senator Christopher “Bong” Go sa Dr. Jorge Royeca Hospital sa General Santos City.

Ayon kay Go, nagdala siya ng grocery, face masks, vitamins at mga gamot sa mga ospital.

Nagpa-raffle din ang senador ng tablet, bisikleta at mga sapatos.


Ani Go, konting tulong lamang ito sa ating mga frontliner na naka-assign sa Dr. Jorge Royeca Hospital maging sa mga pasyente ng ospital.

Kasunod nito, nagpasalamat ang mambabatas sa mga medical health worker na tinaguriang mga bagong bayani dahil sa patuloy na paglaban at nangangalaga sa mga pasyenteng tinamaan ng COVID-19.

Matapos nito ay dumiretso si Go sa Brgy. Calumpang at namahagi rin ng mga regalo sa mahigit 1,000 solo parents.

Samantala, kahapon ay nasa GenSan din si Pangulong Rodrigo Duterte at pinangunahan ang pag-inspeksyon sa nakumpletong Port Operations Building Complex sa Port of GenSan sa Makar Wharf na tinaguriang ‘Gateway of Region 12’.

Facebook Comments