Senator De Lima, tiwalang patungo na sa katapusan ang mga araw ni Pangulong Duterte

744

Ikinatuwa ni opposition Senator Leila de Lima ang rekomendasyon ng prosecutor ng International Criminal Court (ICC) na imbestigahan ang mga pagpatay sa ilalim ng giyera kontra ilegal na droga ng administrasyon.

Dahil dito ay inaasahan ni De Lima na nalalapit na ang pagtatapos ng mga araw ni Pangulong Rodrigo Duterte.


Kaya naman hinikayat ni De Lima ang mga Pilipino na ipagdasal na humaba pa ang buhay ni Pangulong Duterte at magkaroon ng maayos na kalusugan para maharap nito ang imbestigasyon ng ICC.

Katwiran ni De Lima, unfair o magiging hindi patas sa mga biktima ng pagpatay kung lilisanin ni Pangulong Duterte ang mundo ng hindi nahaharap ang paglilitis at kaparusahan para sa mga krimen laban sa sangkatauhan.

Facebook Comments