Senator Marcos, kinontra ang hangarin ni Sec. Cimatu na maglagay ng command post sa Quatar

iFM Laoag – Kinontra ni Senator Imee Marcos ang hangarin ni Secretary Roy Cimatu na pumunta sa Quatar upang maglagay ng command post sa nasabing bansa.

Ayun kay Marcos, naniniwala itong hindi epektibo at posibleng magkakaroon pa nang higwaan ng ibang bansa buhat na rin nang sensitibong diskusyon sa nangyayaring gulo sa Iran at Amerika.

Ang kailangan umano ng kalihim ay pumunta ng Baghdad at makiusap sa Iranian Government hinggil sa plano ng bansa na ilikas ang mga OFWs sa nasabing bansa.


Inaalala ni Marcos ang mga kapakanan ng mga kababayan na naiipit ngayon sa tension na namamagitan sa bansang Iran at Amerika.

Sa talaan ng Philippine Statistics Authority (PSA), umaabot ng limang daang libo (500,000) OFWs na nasa Saudi Arabia, tatlong daang libo (300,000) naman sa united Arab Emirates, tatlongpung libo (30,000) sa bansang Israel at sampung libo (10,000) naman na ngayo’y nagtratrabaho sa Iraq at pati narin sa Iran. (Bernard Ver, RMN News)

Facebook Comments