Nilinaw ni Senate President Tito Sotto III na “tongue in cheek” o may halong biro o pagpapatawa ang kanyang naging pahayag na mahirap igiit na eksklusibo lamang sa mga Pilipino ang marine resources sa West Philippine Sea.
Sa isang panayam ay idinahilan ni Sotto na posibleng galing sa China ang mga isda na nasa ating teritoryo at gayundin ang mga isda natin na posible ding mapadpad sa karagatan ng China.
Ayon kay Sotto, nakakalungkot na hindi naintindihan ng iba na may halong biro ang nabanggit nyang komento ukol sa West Philippine Sea.
Samantala, binanggit din ni Sotto na makakabuting hayaan ang ehekutibo na gumawa ng nararapat na aksyon at makikisali na lang ang lehislatura kung kinakailangan.
Facebook Comments