Senator Trillanes, payag na imbestigahan ni Senator Lacson ang nagpopondo kay SPO3 Lascañas

76

Manila, Philippines – Malaya si Committee on Public Order Chairman Senator Panfilo Ping Lacson na imbestigahan kung sino ang nagpopondo kay SPO3 Arthur Lascañas na ngayon ay nananatiling nasa Singapore kasama umano ang pamilya simula pa noong April 8.

Ito ang inihayag ni Senator Antonio Trillanes IV na handler umano ni Lascañas.

Ayon kay Trillanes, dapat ay si Lacson ang numero unong makakaunawa sa sitwasyon ni Lascañas.

Ito ayon kay Trillanes, ay dahil nagtago din sa abroad si Lacson ng ito ay pinapaaresto noong panahon ng Arroyo administration.

Sabi pa ni Trillanes, wala namang nagtanong kung sino ang nagpopondo noong si Lacson ay nagtatago.

Si SPO3 Lascañas, ay umamin na miyembro ng DDS o Davao Death Squad at nagsalaysay na utos ni Pangulong Rodrigo Duterte umano ang mga pagpatay na kanilang isinagawa noon.

DZXL558

Facebook Comments