SENTRO NG ECONOMIC GROWTH | Pagpapatayo ng National Government Administration Center, inaprubahan

Manila, Philippines – Inaprubahan ng Philippine Competition Commission ang
panukalang pagpapatayo ng National Government Administration Center (NGCA)
sa New Clark City sa Capas, Tarlac.

Target ng joint venture ng government owned and controlled corporation na
Bases Conversion and Development Authority (BCDA) at Malaysian firm ang
itatayong government administrative center na maging sentro ng economic
growth sa Central Luzon.

Magiging extension din ito ng pamahalaan dahil itatayo rin dito ang Office
of the Philippine President, mga embahada at iba pang malalaking tanggapan
ng gobyerno.


Ang National Government Administration Center Project ay nagkakahalaga ng
121.8 billion pesos.

Facebook Comments