‘Sepanx’ uso ngayong pasukan

Alam ba ninyong kahit bata ay nakararanas na rin ng separation anxiety disorder o sepanx?

Makikita ito sa mga paaralan kung saan may mga batang nag-iiyakan o minsan ay nagwawala dahil ayaw magpaiwan sa loob ng classroom.

Upang hindi tuluyan maistorbo ang klase, sa loob ng isang linggo pinagbibigyan ng ilang guro ang tagahatid o nanay ng mga chikiting na manatili sa loob ng classroom hanggang masanay na silang mag-isa.


Nakararanas ang taong may “separation anxiety disorder” ng pagkabalisa sa taong nakasanayang kasama o may emotional attachment siya.

Ayon sa isang eksperto, maaaring makita na ang sepanx sa mga batang nasa edad isang taon hanggang dalawa’t kalahating taong gulang.

“After that (age) we might consider na hindi na appropriate. During that age, it’s the time na nag-eexplore ang mga bata. From that time na toddler period, aalis sila pero ang gusto nila, lagi sila nagre-recharge with mommy,” pahayag ni Cherryrich Cheng, isang psychiatrist.

Dagdag pa niya, dapat sanayin ang batang edad tatlo pataas na mawalay sa magulang o tagapagalaga. Kailangan unti-unting sanayin ang mga ito sa bagong kapaligiran. Iwasan din na hindi tuparin ang pangako sa mga supling kapag panandaliang nahihiwalay ito sa kanila.

Facebook Comments