Idineklara ng Palasyo ng Malacañang ang September 11, araw ng Miyerkules, bilang special non-working holiday day sa buong probinsya ng Ilocos Norte.
Ito ay kasunod na rin ng komemorasyon ng ika-107 na kapakanganakan ni dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr.
Batay sa proclamation no. 677, binibigyang pagkakataon ng pamahalaan ang mga taga Ilocos Norte na mag-celebrate o magdiwang para sa naturang okasyon.
Pinirmahan ni Executive Sec. Lucas Bersamin ang naturang proklamasyon noong August 29, 2024 at isinapubliko ngayon araw.
Facebook Comments