Sgt at Arms ng RLA-ARMM binaril patay, mga nanambang isa ang nasawi at isa sugatan

*Patay ang Sgt at Arms ng RLA-ARMM matapos itong pagbabarilin kahapon 4:15 ng hapon ng riding in tandem criminals sa Sinsuat avenue tapat ng Villa funeral homes subalit patay din ang isang suspect at sugatan ang kanyang kasamahan.*
*Kinilala ang biktima nasi Alfredo Tumbaga, na Sgt at Arms ng Regional Legislative Assembly ng ARMM, na dead on arrival sa pagamutan makaraang magtamo ng multiple gun shot wound sa katawan.*
*Habang nakilala naman ang nakabulagta na suspect kahapon sa kalsada nasi Mohammad Saud Andes 22 anyos na residente ng barangay RH-3, habang sugatan at naisugod sa pagamutan ang kanyang kasamahan sa pagbaril nasi Badjorie Karim nasa hustong gulang, na driver ng kulay white at Red na Honda XRM na kanilang sinakyan.*
*Ayon sa inisyal na inbestigasyon ng City PNP Sinabi ni Col.Rolly Octavio, sinusundan na pala ng mga suspect ang biktima mula sa RLA at pagsapit sa tapat ng Villa ay kanila na itong pinagbabaril, ngunit silay minalas dahil merong mga tropa ng Marines sa lugar ng gawin nila ang krimen kayat silay pinagbabaril din.*

Facebook Comments