SHABU SHIPMENT | Committee report ng Senado, ire-review ng DOJ

Ire-review ni Justice Secretary Menardo Guevarra ang committee report ng senate blue ribbon committee kaugnay ng imbestigasyon nito sa shabu na isinilid sa magnetic lifters.

Ayon kay Guevarra nais niyang malaman ang eksakstong naging partisipasyon ni Customs Intelligence Officer Jimmy Guban sa nasabing shabu shipment.

Nanindigan naman si Guevarra na hindi muna kukunin ng NBI ang kustodiya kay Guban na ngayon ay naka-detain sa Senado matapos ma-cite for contempt.


Una na ring kinumpirma ni Guevarra na walang hawak ang NBI na warrant of arrest laban kay Guban.

Una nang ipinag-utos ng Pangulong Duterte ang pag-aresto ng NBI kay Guban subalit iginiit ni Senador Richard Gordon na hindi nila ibibigay si Guban sa NBI.

Facebook Comments