SHOWBIZ BALITA | Sunshine Dizon, inaming inaayos pa rin nila ng mister na si Timothy Tan ang kanilang relasyon; LJ Reyes, ayaw magpa-pressure sa planong pagsasama nila ni Paolo Contis

Manila, Philippines – Inamin ng aktres na si Sunshine Dizon na sinusubukan nila ng mister na si Timothy Tan na ayusin ang relasyon nila sa kabila ng kinasangkutang kontrobersiya.

Ayon kay Sunshine, si Timothy pa rin daw ang ama ng kaniyang mga anak kaya at sa may karapatan pa din daw itong makapiling ang mga bata.

Sa katunayan, ibahagi ni Sunshine sa kaniyang instagram post ang masayang larawan nila ni Timothy sa ginanap na ika-pitong kaarawan ng anak nilang babae noong Abril 18, 2018.


Matatandaan na taong 2016 mula nang isapubliko ni Sunshine ang diumano ay pakikipagrelasyon ni Timothy sa ibang babae kung saan umabot sa korte ang usaping hiwalayan nilang mag-asawa.

Samantala, ayaw daw magpa-pressure ng aktres na si LJ Reyes kung kailan nila balak magpakasal ng boyfriend niyang si Paolo Contis.

Say ni LJ, away daw niyang madaliin ang pagpapakasal lalo na at galing silang dalawa sa failed relationships.

Sa ngayon, masaya naman silang dalawa ni Paolo at panahon na lang daw ang makakapagsabi kung silang dalawa ang magsasama habang buhay.

Facebook Comments