TRENDING | Isang lalaki sa Brazil, ipina-tattoo ang jersey ng paborito niyang soccer team

Brazil – Trending ngayon ang isang lalaki sa Brazil matapos nitong ipa-tattoo ang jersey ng paborito niyang soccer team.

Ayon sa 33-years old na si Jose Mauricio Dos Anjos, bata pa lamang siya ay number one fan na siya ng Brazilian soccer club na Flamengo.

Dahil dito, naisipan niyang ipa-tattoo na ang uniform nito kung saan ipinalagay niya ang jersey number na 10.


Sinabi pa ni Jose na hindi na niya po-probemahin pa na bumili ng mga jersey ng nasabing soccer team pero aminado siya na minsan ay nilalamig kapag nanonood partikular kapag inaabot na ng gabi ang laro.

Binigyan naman siya ng general manager ng Flamengo ng special passes sa mga laban nila bilang regalo sa pagiging die-hard fan nito.

Facebook Comments